"HAVE you heard some s**t, bro?" kunot-noo na tanong ni Cloud sa nakatayong si Zain sa kabilang bahagi ng kusina. Balak lang sana ng binatang tulungan sandali si Demi sa ginagawa nito nang maabutang naunahan siya ni Simon na gawin 'yon. Idagdag pang hindi na niya nagawa pang pumagitna nang simulang pag-usapan ng mga ito ang nakaraang relasyon, lalo na ang tungkol sa pagsasawalangbahala na ginawa ng lalaking dati sanang nakarelasyon ng dalaga. Gusto na lang tuloy niyang matawa sa lahat ng narinig subalit 'di na rin niya matagalan pa ang masyadong paglapit ng basurang lalaki sa babaeng gusto. Kung siguro matagal niyang nalaman na iyon pala ang kwento ng dalawa ay baka matagal na rin niyang nasuntok sa mukha ang damuho. "I'm only sixteen that time, Simon!" bulalas ni Demi. Doon na siya

