NANG sila na lamang na magkapatid ang magkasama. Agad na tinanong ni Demi si Divo sa dahilan kung bakit natagalan ang kapatid na kontakin siya samantalang ang nauna na niyang sabihan ito na tawagan siya kapag nakabalik na ito ng bansa. "I can't go back yet to have a normal life. I will still look into it the involvement of Hera's father and the organization behind them," wika ng kanyang kapatid. Kahit naguguluhan pa siya sa paliwanag na ibinigay noon ng kapatid tungkol sa babaeng tumulong dito. Maging ang mukha umano nito ay nanggaling sa huling nobyo ng kasintahan ngayon. Kahit medyo hesitant na tanungin ang kapatid tungkol sa estado na mayroon ito at sa doktora na ipinakilalang nais nitong pakasalan, nagtiwala na lamang siya sa kapatid na alam nito ang ginagawa. "But don't worry, may

