KINAUMAGAHAN din ay bumalik si Demi sa dating tinutuluyang apartment. Only to find out that Zain is no longer staying in there. Ang kwarto kung saan dati nag-stay ang binata ay bakante na ngayon. He's not also answering her call. Kaya naman kinausap niya agad ang landlady ng apartment building. "Kasabay mo rin siya Demi na umalis," sabi sa kanya ni Mang Josie, ang landlady ng dating inuupahan na apartment. "May nabanggit po ba siyang dahilan?" muli ay tanong niya. Hindi pa naman tapos ang semester kaya wala siyang ibang naiisip na rason kung bakit umalis din agad doon ang binata. Hindi rin naman niya alam saan ngayon nag-stay ito dahil 'di rin naman niya nagawang tanungin dati. "Hindi ba't magkakilala kayong dalawa? Ilang beses kong nakita kayong magkasama noong nandito pa kayo, 'di k

