NATATAWA na lamang si Demi habang nakikita ang reaksyon sa mukha ni Simon kahit noong pabalik na sila sa silid ng kanilang team. Ang buong akala niya ay magtatagal pa bago maayos ang gusot na 'yon mula kay Elijah at mabuti na lamang ay nilinaw niya rin ang lahat. Nagkataon nga lang na hindi agad naintindihan ng binata ang sitwasyon kaya naman binabagabag pa rin ito ng konsensya. Kinuha na rin niya ang pagkakataong 'yon upang magtanong pa rito tungkol sa nais niyang malaman. "Ibig sabihin magmula nang maghiwa-hiwalay ang mga miyembro ng squad. Hindi mo na kahit kailan nakausap pa ang iba bukod kay Pen at Irie?" mayamaya'y tanong niya. Pumalatak ito saka napakamot ng ulo. "Hanggang ngayon may contact pa rin ako kay Pen dahil sa iisang kompanya lang kami nagtatrabaho. Habang siya naman ang

