NAKANGALUMBABA si Demi habang pinagmamasdan ang isang printed paper ng tungkol sa kaninang nakalaban nilang team. Walang dudang dating miyembro ng SpaiDer ang miyembro niyon na si Elijah. Bukod pa ro'n, babae talaga ang kasarian nito. Saka naman niya binalingan sa bandang dulo si Simon na malalim ang pinakawalang buntong-hininga. Marahil iniisip pa rin nito ang nangyari kanina. Gulat din tulad niya sa nasaksihang malaking pagbabago kay Eli. Naglakad siya palapit dito. "I made a huge mistake," rinig pa niyang bulong nito. "It's part of the game that you make mistakes. You can learn from those," wika na lamang niya upang kahit papaano'y makabawas sa alalahaning mayroon ito. Mukha ngang wala rin sa ayos ang momentum ng laro nito kanina, pero 'di naman labis na nakaapekto 'yon para matalo

