Tahimik na kumakain sa loob ng kotse si Hera habang kwintas-kwintas niya ang binoculars na hawak lang kanina. Nakaramdam na siya ng gutom matapos dalawang oras ng nakaparada sa labas ng apartment building ang lulan na sasakyan. Alas otso pa lang ng umaga at mag-isa niyang tinungo ang lugar ng magkaroon ng masamang panaginip sa kapatid ni El o Melody. Muli niyang binalingan ang apartment room ni Demi sa ikalawang palapag. Hanggang ngayon ay hindi pa niya ito nakikitang lumabas, at sinubukan niyang maglibot-libot kanina para i-check ang buong lugar pero wala naman siyang nakitang kahina-hinala. Ang plano naman niya ngayon ay pasukin ang tinutuluyan nito upang iyon naman ang siyasatin. Marahil nagmumukha siyang paranoid pero gusto lang niyang tiyakin na ligtas ang kapatid ni El sa kapatid

