"Miles!" Pauwi na si Miles nang marinig ang pangalan. Nilingon niya ang taong tumawag sa kanya bago pa man siya lumiko sa huling kanto. Matamang nakatingin lang siya sa babae ngayong hingal na hingal sa harap niya. Saka lang din niya naalala kung saan niya ito nakita. Hindi siya umimik. Habol pa rin ang hininga ay hinarap siya nito. "Hi!" anito. Ngiting-ngiti ito na lubhang ipinagtataka niya. Napakunot-noo siyang ikinabahala naman ng babae. He heard her gasped. "I'm Iliana, remember?" nahihiyang pakilala nito. "I know," aniya na hindi na ito tinapunan ng tingin. Sinipat niya ang suot na relong pambisig. Balak sana niyang kumain na lang sa bahay bago matulog. Maaga na naman kasing natapos ang klase niya. Ayaw naman niyang kumain sa school cafeteria dahil maingay na nga, mainit pa. "T

