"Please bring to my office my schedule for today," utos ni Gino sa secretary. Dumeretso agad siya sa opisina noong umagang 'yon. Matagal-tagal na ng huli siyang pumasok ng trabaho, karaniwan niya lang na naaasikaso iyon sa tuwing tumatawag ang sekretarya niya tungkol sa mga business matter. Isang linggo siya sa totoo lang lumiban sa trabaho, at kagabi pa lang pinuputakti na siya ng kanyang ina na kapag hindi pa siya pumasok si Fiona ang guguluhin nito. Nagsawa na lang siyang pakinggan ang litanya ng ina at sa unang pagkakataon nagawa niyang babaan ng telepono ito kagabi, saka na lang niya poproblemahin ang galit ng ina kapag umuwi na siya sa main house. Tuloy-tuloy na pumasok siya sa loob ng opisina. Pero agad din siyang natigilan nang makitang nakaupo sa kanyang swivel chair si Cloud.

