"SO, what are you planning to do?" Hindi na kailangan pang sagutin ni Demi ang tanong na 'yon ni Zain nang pabalik na sila sa kanilang hotel room. Batid niyang wala na siyang kailangang gawin dahil kusang lalapit sa kanya ang mga inaasahang tao. Hindi nga siya nagkamali nang parehong tumigil sila sa paglalakad ng kasama nang makitang nakaabang na mula sa pasilyo kung saan sana sila daraan ang tulad ng kanyang inaasahang tao na kating-kati na marahil kausapin siya. 'Di na maitago ang ngiting gumuhit kanyang labi nang umakto siyang tila walang ideya kaya ito naroon. Nang magtama ang paningin nila ni Irie, alam agad niya ang sasabihin nito mula sa mga salita hanggang sa pangungusap. "Can we talk, Demi?" anito. Sandaling nilingon niya sa kanyang tabi si Zain. "He can stay, if you want,"

