WALANG nakakaalam kung si Demi ang tatraydor sa buong team ng Clare sa ikaapat na araw, makakalaban muli niya ang grupo kung sino ang unang tinalo ng kanilang team noong nagsimula ang kompetisyon sa Night Lost. Ngunit sa huli, dinagdagan lamang ng naging laban ng naturang oras na 'yon ang tensyon sa mga kalaban na team maging sa management na kahit noong tinapos nila sa pinakamaagang oras ang laro ay makikita ang gulat at galit sa mga mukha ng mga itong ibig sabihin lamang ay tiyak ng malaki ang tyansa na talunin ng team niya ang mga manlalarong sinusuportahan ng mga ito. Bumakas muli ang isang makahulugang ngiti sa kanyang mga labi. Batid niyang matapos ang larong 'yon, nababahala na ngayon si Irie. Kailangan na nitong kumilos bago mahuli ang lahat at sinisigurado niyang tumatakbo na

