HALOS kompleto ang dating squad ng Clare nang magpunta sa café kung saan noon nagtatrabaho si Demi. Hindi tuloy siya magkandaugaga na ayusin at dalhin ang lahat ng pagkain sa mga mesa ng mga kaibigan. Nagpresenta na ring tumulong ng mga oras na 'yon si Gino na agad naman din niyang pinasalamatan. "Ako na ang bahala rito, pwedeng maupo ka na ulit doon," nakangiting aniya nang ibalik ang tray malapit sa may counter. Muling sinulyapan lamang 'yon ni Gino, marahil tinitiyak kung 'di na talaga niya kailangan ng tulong. Ngumiti na lamang siya at iginaya ito patungo sa mesa kung nasaan sina Cloud, Miles, Simon at ang iba pa. Inaasahan niyang makikita rin doon ang pinsan na si Jim, subalit nauna nang nagtext ito kay Cloud na mahuhuling dumating sa lugar, pero nabanggit din niyon kani-kanina sa

