"HOW was your research presentation?" bungad na tanong ng ama ni Demi sa kanya nang abangan siyang makalabas mula sa unibersidad. Tinitiyak kasi ng ama ng dalaga na masundo ang anak dahil 'yon na rin ang huling semestre nito sa medicine school. Pagkatapos kasi niyon ay magsisimula na ang clinical clerkship nito. Mas madalas na silang magkikitang mag-ama kaya naman gusto rin nitong makita ang anak na dalaga na tuluyan ng iiwanan ang nakasanayan na buhay estudyante at ang tatlong taon na ginugol sa medicine school. Noong una ay nag-aalala si David sa desisyon ng anak na agad ding mag-aral ng medisina pagkatapos nito ng apat na taon sa kolehiyo. Iniisip niya kasing hindi man lamang nito nagawang i-enjoy ang kahit panandaliang pahinga mula sa pag-aaral. Naging dahilan pa tuloy iyon ng kaunti

