"DEMILEIGH! I'm glad you came!" Nakangiting bati ng isa sa mga kaklase ni Demi, na si Madison nang pumasok siya sa naturang establishment. Agad niyang inilibot ang paningin sa buong paligid upang ngitian ang bawat kaklaseng naroon din sa munting get together na sinasabi ng ama niya kanina. Gumanti naman ang ibang mga naroon ng simpleng pagtango ang iba ay bumati ng magandang gabi. Pero sa huli ay wala siya ni isang matandaan ni isa sa mga 'yon sa med school. She finds it funny not to even recognize a single face of them. Si Madi lamang dahil madalas niya itong makitang bisitahin ang ama ring doktor katulad niya noon. Agad na iginaya siya ng kakilala sa isang bakanteng pwesto malapit sa gitna ng malaking table. Halatang siya na lamang ang hinihintay bago 'yon magsimula base pa lamang sa

