"LET'S go," galit na wika ng kapatid ni Demi nang sunggaban nito ang kanyang kamay at ilayo siya mula kay Hera. Hindi pa man niya naririnig ang sagot ng butihing doktora ay nauna na siyang iginaya ng kapatid sa isa pang sasakyan na naroon na marahil gamit nito at ni Zain nang magpunta sa lugar na 'yon. Nagtaka naman siya kung bakit walang sinasabi ng mga oras ding 'yon ang nobyo at nanatiling nakatayo lamang ito sa 'di kalayuan. Sa huli ay sumama na lamang siya sa kapatid. 'Di na niya namalayan ang oras nang dumungaw siya sa labas ng bintana nang mapagtanto na hinatud siya pauwi ng kapatid. "Kuya Divo," tawag na niya rito nang mapansing ang kakaibang katahimikan nito. Napansin niyang sinulyapan lamang siya nito mula sa rear mirror ng sasakyan. "I'm really sorry." Iyon lang ang alam ni

