DEMI immediately followed what Hera said. Nagmamadaling dumapa siya nang itutok nito ang baril na hawak sa taong sumunod sa kanya hanggang makalabas ng gusali. Nakarinig siya ng pagpito sa likod niya na agad naman niyang nilingon. "Wait, why are you pointing a gun to your own brother?" nakangising tanong niyon sa kasama niya. "Klein, put your gun down. I don't give a s**t even if we're siblings. Put that s**t down," mariing utos ni Hera sa lalaki. Sunod-sunod ang pagpalatak ng taong 'yon na bakas ang disappointment sa mukha ng sundin niyon ang ipinag-uutos ng sinasabing kapatid. "What I kinda hate in this situation is you still looked calm despite shooting me twice," iritableng wika ng nagngangalang Klein. "And I wouldn't mind shooting you again," agad na sabi ni Hera. Animo'y wal

