EVERYTHING is perfect. Magmula nang pumasok ang grupo nina Demi sa underground kung saan siya dati naglaro kasama si Zain, nakatulong ang kasama sa pag-assist sa kanila ni Cloud, na halatang kabisadong-kabisado na ang pasisikot kaya tahimik na nakasunod lamang silang lahat. Dating naging bahagi ng ganoon klaseng laro ang huli, kaya hindi na rin nagulat siyang alam na 'yon ng binata. Saka 'd na rin si Demi na nagulat na makitang nakaabang sa loob niyon si Mr. Frost at may kasalukuyang kausap. Muntik na niyang isipin na kaya ito naroon ay upang abangan ang pagdating nila. Subalit hindi man niya itago ang mukha sa taong 'yon, alam niyang hindi siya nito makikilala. Naka-disguise siya noong huli silang nagpunta roon, at katulad dati ay may iba naman siyang get-up ngayon. She wore a loose bla

