To Demi's surprise to see Clause in her mother's coffee shop. Nahagip naman ng paningin niya si Hera na naupo ng mga oras na 'yon katabi nina Cloud at Gino, kung gayon ito ang tinutukoy ng kakilalang isasali sa grupo nila. Pero nagtaka naman siyang 'di pa rin nagawang makahulma ng kaharap na hanggang ngayon ay nakatitig pa rin sa kanya. Tumikhim na lamang siya upang pukawin ang atensyon nito, dahil kung magtatagal pa ito sa daraanan niya magtatagal din na nakatayo siya roon. "Excuse me," aniya nang inuwestra ang kamay na sa gilid nito siya daraan. Kapag nga nagkita sila ng kanyang ina na si Paula, sasabihin niya ang tungkol sa medyo cramped na area na 'yon patungo sa restroom. Tiyak na doon kasi patungo si Cloud, subalit pareho silang nasa daan kaya walang kahit isang nakakilos sa kani

