HINDI talaga sigurado si Demi sa kanyang plano na pakikipagkita ng araw na 'yon kay Elijah. Wala siyang kontak sa huli, at wala rin siyang alam na ibang dahilan upang magkaroon ng kontak sa dating kaibigan. She's not yet quite sure if Elijah had already forgiven her. Masyado pang magulo sa memorya niya ang nangyari sa international arena, everything is really f****d up. Sa huli ay ayaw na lamang din niyang maalala ang mga nangyari. Natigilan siya sa kanyang pag-iisip nang makitang pumasok sa coffee shop kung nasaan siya ngayon ang pamilyar na pigura ng taong pakay. Katulad niya ay sinalubong ng tingin din ng tatlong kasama na nasa mesa ang bagong dating. Matagal na napatitig siya sa malaking kaibahan ngayon ng pisikal na hitsura ng dating miyembro ng SpaiDer. Kahit nakasuot lamang ng pu

