NANG malapit na sila sa backstage may nakalimutan si Bree na isuot kay Daniella, ang gloves. "Teka! May nakalimutan ako mauna ka ng pumunta sa backstage." Hindi pa man nakakasagot si Daniella ay mabilis na itong umalis kaya naman naglakad na siya papunta sa backstage. Madilim na, kaya tanging liwanag na lang ng mga ilaw ang makikita ng pagkapasok niya sa backstage. Nakita niya ang ibang candidate na ang gaganda rin ng suot na mga gown maging ang mga ito ay masasabing may laban kung posture at ganda ang pag-uusapan. Ngumiti siya sa mga ito bago pumunta sa isa pang bahagi ng backstage na may harang lang na mga kurtina sa bawat candidate na magkakasama. Sa paghawi ni Daniella sa kurtina para doon muna mag-stay hangga't hindi pa tinatawag ng host ang mga candidate para lumabas. Pero ang hind

