Hinawakan ng madiin ni Jack ang kanyang tuhod. “Mahal kita!” Sabay tingin sa mga mata ni Alexa. Umilap ang mata ni Alexa ng sinabi ito ni Jack sa mismong harapan niya. “Iyon ang nakasulat sa papel.” Habang nakatingin sa ibang parte ng kwarto ay nagtanong siya. “Paano mo ako nahanap at bakit?” Natigilan saglit si Jack sa tanong niya at nangilid ang mga luha. “Ako ang salarin kung bakit narito ka!” Unti-unting kumunot ang noo niya. “Hindi ko alam na ganon ang pagkikita natin ulit at sa ganong sitwasyon at ako ang dahilan ng lahat. Kaya humihingi ako ng tawad sa nagawa ko at alam ng diyos na hindi ko sinasadya!” Natulala saglit si Alexa. “Kaya doble ang pagsisi ko sa sarili ko dahil sa nangyari. Gusto lang naman kita makita muli at hinanap ng ilang taon, pero bakit ganon ang nangyari.”

