Sa sobrang curious ni Daniella ay sinundan niya ang anino na ’yon at napunta siya ng garden na konti lang ang liwanag na nanggagaling sa ilaw ng mga class room sa labas. “Teka! Tao ’yon ’di ba?” tanong niya sa sarili, pero nakakaramdam na ng takot. Niyakap na niya ang sarili niya dahil biglqng lumaig qng paligid, kaya naman nagdesisyon siyang bumalik na, pero sa pagharap niya papunta sa direksyon ng prom. “Kaya pala nakaramdam ako ng pagtaas ng balahibo nandito ka pala,” saad niya kay Charice. Paglingon niya kasi ay nakatayo na ito malapit sa kanya. Mataray siya nitong tinaas ng kilay at ngumisi. “Mukhang masaya ang puso mo dahil sa nangyari kanina.” “Ang alin?” nagtataka naman niyang tanong. “Kitang-kita ko, kung paano ka yakapin ni William at isayaw na para kayong magkasintahan!” “O

