Dumating na ang araw na uuwi na si Alexa sa bahay nila. Nakahanda na ang lahat ng gamit nila na iuuwi ng pumasok si Jack sa kwarto. “Ready na kayo?” Napatingin naman si Alexa kay Lexie. “Hindi ko pala nasabi sayo, siya ang maghahatid sa atin para hindi na tayo magcommute at mahirap na.” Tumango na lang siya at nakitang kinuha na nito ang ilang gamit na dadalhin. Pagkatapos ay siya naman ang inalalayan nitong lumakad dahil hindi pa siya puwedeng maglakad ng mag-isa dahil parang lumilindol pa ang paligid. Sumandal siya sa likod ng upuan sa kotse ni William at pumikit at naalala muli ang eksena na ginawa niya lalo na kay Daniella. “Bakit naman pati sa kwento ko ay hindi magkakatuluyan ang mga bida ko katulad ng nangyari sa amin ni Ryan. Gustuhin ko man na magsulat ng magandang wakas pero

