Kabanata 57

2159 Words

Paglabas ng kwarto ni Alexa ay huminto sila saglit sa waiting area na walang masyadong nagdadaan. “Siya si Jack ang lalaking naka-tadhana kay Alexa.” “Ibig sabihin siya ang salarin kung bakit narito si Alexa?” Tumango ito. “Kailangan na natin maka-alis dahil malapit ng dumating ang kaibigan ni Alexa at makita ka niya lalo pa’t sinabi mo kay Jack na kapit-bahay ka nila. Magbabalik tayong muli rito pagkatapos ng isang buwan para kausapin si Alexa tungkol sa libro.” Hinawakan muli nito ang balikat ni Victor at naglaho na silang dalawa bago pa dumating si Lexie na papunta na ng kwarto ni Alexa. Pagpasok ni Lexie ay nakita na niya si Jack sa tabi ng higaan ni Alexa. Naramdaman naman siya agad ni Jack kaya napalingon ito sa kanya. Kahit hindi pa sila okay sa isa’t-isa ay nagsalita si Jack.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD