Samantala habang nagbabantay si Glen kay Alexa ay dumating si Lexie na may dalang pagkain. Napansin nito na wala si Jack sa kwarto. “Nasaan ang kasama mo?” “May importante lang na pinuntahan.” “Ganon ba, kumain ka na ba?” “Busog pa ko mamaya na lang ako kakain.” Pumunta na lang si Lexie sa lamesa para ilagay ang mga pinamili niya na pagkain at inumin nila ng nagtanong si Glen. “Anong trabaho ni Alexa?” Napatigil siya at umupo katabi rin ng higaan ni Alexa, pero sa kabilang side kaya magkaharap sila ngayon ni Glen. “Wala,” maikli niyang sagot. “Wala?” “Nasa bahay lang si Alexa at madalang lumabas.” Kumunot ang noo ni Glen. “Kaya pala ang hirap niyang hanapin. Inabot na kami ng ilang taon bago siya natagpuan at sa tulong mo pa.” Nagtaka si Lexie. “Ako?” “Nang nalaman ko na si Alex

