Kinuha niya ito at handa ng makita kung ano ang itsura ng kanin. Pumikit pa siya at dahan-dahan na binuksan muli ang lunch box pero ng unti-unti na niyang nakikita ang laman, ay mabilis na niya itong tinanggal. Nakataas pa rin ang kamay niya na may hawak ng takip dahil sa nakita. Napangiti siya na may konting pangingilid ng luha dahil ang akala niyang simpleng kanin lang ay hindi pala. Ang green peas na galing sa ginisang giniling na baboy ay nakakorteng nakangiti habang ang mismong ulam niya ay nasa gilid ng kanin. Hindi kasi makikita ang laman ng lunch box sa sobrang kapal nito at hindi malinaw. Biglang may kumuha ng lunch box mula sa kamay niya at nakita niyang nagsasalin ng ulam si William sa lunch box din nitong dala. "Nagdadrama pa ko rito Bakit bigla mo namang kinuha, at sino nag

