Tumango-tango ito. "Lahat naman ay puwedeng pumili kung sino ang gusto nila, pero mukhang si William ay nagdesisyon na huwag pumili sa kanilang dalawa kaya naman tie si Charice at Daniella. Hindi ko na sasabihin na bumoto kayo ulit dahil kung 'yon talaga ang resulta ay wala na tayong magagawa." Nagtaas ng kamay ang isang estudyante. "Ano na pong mangyayari kung ganon?" "Dahil tie silang dalawa nag-decide na lang ako na silang dalawa ang magiging representative ng class section na ito. Sa pagkaka-alam ko ay puwede naman na dalawa sa bawat section." May sasabihin sana si Daniella ng tinakpan ni Bree ang bibig niya hindi naman sila nakikita ng teacher nila kaya nagawa ito ni Bree. At habang nakatakip ang kamay ni Bree sa bibig ni Daniella ay pilit itong nagsasalita at inaalis ang kamay ni

