Nang dumating si Bree at umupo katabi ni Daniella ay parang iba ang pakiramdam niya sa katabi niya. Lumingon siya at tiningnan niya ng mabuti si Daniella dahil sa awra nito." Daniella may sakit ka ba?" Tamad siyang tiningnan ni Daniella at umiling lang sa tanong niya." Kung wala. Anong eksena mo bakit ganyan ang itsura mo?" " Para maiba naman," saad ni niya ng seryoso at boses na kakaiba hindi katulad noong nakaraan na sa bawat pagsasalita niya na may kasiyahan. Kunot noong pinakatitigan ni Bree si Daniella pero hindi na siya nagsalita dahil masyadong weird ang kaibigan niya ngayon. Pagkatapos ng subject nila na English ay breaktime na at puwede ng lumabas ng classroom. Tumayo na si Daniella at naglakad ng diretso at hindi man lang naglaan ng kahit konting pagsulyap kay William na pina

