Nilingon niya si Bree at tumango lang dito na ibig sabihin ay lumayo muna sa kanila upang makapag-usap sila ni William. At nang nakalayo na si Bree ay tinanong niya kaagad si William, "Ano ba ang dapat mong sabihin no'ng sabado?" parang walang pakialam na tanong niya at nakatingin lang ng diretso pero hindi sa mismong mukha ni William. "Gusto ko muna sanang sabihin na kung bakit ako na—" hindi na natuloy ni William ang sasabihin niya ng magsalita muli siya dahil alam na niya kung ano ang sasabihin nito. "May sasabihin ka no'ng sabado. Ano 'yon at kung puwede pakibilisan dahil baka abutan pa ako ng dilim sa daan." Dismayasong nagbuga na lang ng hangin si William. "Na hindi muna kita tuturuan tuwing sabado dahil baka kailangan mo ng araw para mag-practice, hindi mo naman magagawa 'yon tuwi

