Prologue
"Daddy?" tawag ko sa kanya, at agad niya akong nilingon na nakangiti.
"Yes, Mommy?" sagot naman niya, habang buhat-buhat si Baby Natnat.
"Ito, I think magugustuhan ito ni Baby Natnat," sabi ko naman at tinuro ko ang isang makulay na lego set sa shelf.
Napalingon si Lucas sa direksyon na tinuturo ko, saka inilapit si Baby Nat sa laruan.
"Do you like this?" tanong niya kay Baby Natnat, habang nakaturo sa lego set.
Biglang nagningning ang mga mata ni Baby Nat at mabilis siyang tumango.
"Good choice, Mommy," sabi ni Lucas sa akin. Kinuha na niya ang lego set at inilagay sa cart.
Nang mailagay na namin sa cart ang lego, pilit na kumakawala si Baby Nat sa kanyang daddy, para bang may gusto siyang puntahan.
Napangiti ako habang pinapanood siyang nagpupumiglas sa kaniyang Daddy.
Ang cute niya kasi.
"Okay, okay. Baba ka na," sabi ni Lucas, at ibinaba na niya si Baby Nat sa sahig.
Agad kaming yumuko para alalayan siya habang naglalakad, at sinusundan namin ang direksyon kung saan siya papunta.
Napatawa ako nang makita ko siyang tumigil sa tapat ng shelf ng mga laruan na may baril.
"Beng beng," sabi ni Baby Nat, habang nakaturo sa isang laruang baril.
"You can find another toy, Baby Nat. Not this one," sabi ni Lucas, nakangiti siya ngunit pansin ko roon ang matigas na tono.
Tumango ako kay Baby Nat, tanda na sumasang-ayon ako sa sinabi ng kaniyang Daddy.
Ngunit nagpumilit pa rin si Baby Nat
"Beng beng," saad niya muli, ang kaniyang boses ay malakas at mas madiin.
"No," sagot ni Lucas.
"Sige na, Daddy. Ibili na natin," sabi ko na. Sinubukan ko na ngitian pa siya, ngunit kunot-noo niya akong tinignan.
"Alam mo kung bakit ayoko," sagot niya sa akin.
Napabaling muli kami kay Baby Nat, dahil nagsimula na itong umiyak, kaya binuhat naman siya ni Lucas para iiwas sa laruan, ngunit lalo lang itong nagwala.
"Beng beng! I—i want!" iyak na sabi Baby Nat, habang pilit na tinuturo ang laruan.
"No. I said no. I will buy whatever you want, but not this one. Listen... 'beng beng' is bad. Understood?" saad ni Lucas, ngunig umiling lang si Baby Nat at patuloy pa rin sa pag-iyak.
"Lucas, ibili mo na. Laruan lang naman 'yan," sabi ko.
"No, Nathalia. Kahit laruan pa 'yan, ayoko na maging katulad niya ako."
"It's just a toy, Lucas. Papalakihin natin siya nang maayos, para hindi niya magaya ang mga bagay na ayaw mong mangyari. and I really want him to grow up like you, Lucas..." sabi ko, habang nakatitig sa kaniya. "You’re a loving and protective brother, a responsible dad, and a good husband. You’re the kind of man who would do anything for his family. Kaya 'wag na 'wag kang matatakot na matulad siya sa'yo," sabi ko, at nakita ko na unti-unti nang gumaan na ang mga tingin niya.
Kahit parang nag-aalangan pa rin siya ay hindi naman na siya tumutol pa.
Kinuha ko na ang laruang baril, at narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni Lucas, ngunit alam ko naman na pumapayag na siya.
Labag nga lang sa kalooban.
Nang makita ni Baby Nat na hawak ko na ang laruang baril, bigla na siyang ngumiti.
Kahit papaano ay tumigil na siya sa kanyang pag-iyak, ngunit halata pa rin ang mga luha sa kanyang pisngi.
"We'll buy this, kaya stop crying na, okay?" sabi ko kay Baby Nat, at iniabot ko sa kanya ang laruan.
Agad niyang niyakap ito, at napangiti ako habang pinupunasan niya ang kanyang basang mukha.
"Si Daddy kasi e, hindi agad pumayag. Kawawa naman ang Baby," biro ko kay Lucas.
"Sorry," rinig kong sabi na ni Lucas, at sabay halik sa pisngi ni Baby Nat. "Galit ka kay Daddy?" tanong niya sa aming anak, pero umiling lang si Natnat, kaya napangiti kami pareho.
"Kiss mo rin si Mommy," sabi ko bigla kay Lucas, kaya natatawa siyang mabilis akong hinalikan sa labi. Bigla rin tuloy akong napakagat sa aking ibabang labi, habang ako ay nakangiti.
Ito namang si Lucas, nakatingin pa rin sa akin.
Tinutunaw na naman niya ako sa mga tingin niya.
Grabe!
Pinapakilig na naman ako nitong si Boss Pogi.
Buti na lang talaga ay walang saleslady na nakasunod sa amin. Kahit pa nagwala si Baby Natnat kanina.