Pagkagising ko ay agad akong pumunta sa may bintana ng aking kwarto.
Napahinga ako ng malalim...
Buti na lamang ay wala talaga ang itim na kotse.
Kagabi kasi ay hinatid nila ako rito, nang makapasok naman ako ay agad na rin naman silang umalis, ngunit nahirapan pa rin akong matulog, dahil sa takot na baka bumalik sila at guluhin kami ng pamilya ko.
Hindi ko makalilimutan ang sinabi sa akin ng Boss bago niya ako pauwiin. Sabi niya, na kahit hindi ko raw sila nakikita, nakabantay sila sa bawat kilos ko, at isang pagkakamali ko lang, may mangyayaring hindi ko magugustuhan.
Sobrang nakakatakot talaga sila, lalo na si Boss Lucas.
Ang pogi-pogi niya pero nakakatakot talaga siya.
Ang mga nangyari kahapon... para talaga akong nasa isang pelikula, at hindi ko akalaing mararanasan ko iyon.
At lalo ngayon... na para na akong isang asong nakatali sa mga mafia.
Napabuntong-hininga muli ako nanh mapatingin ako sa aking cellphone.
Hanggang ngayon ay wala pa ring tawag o text si Jasper. Akala niya siguro ay patay na talaga ako matapos akong dukutin ng mortal na kaaway ng boss niya.
Napakahayop niya talaga! Pinabayaan niya akong madukot.
Pero hindi ito ang oras para isipin ko muli si Jasper, dahil kailangan ko nang maghanda sa pagpasok.
Bilang isa na akong private teacher, kailangan presentable ang suot ko. Hindi ko na kailangan na magsuot pa ng mga sexy na damit na dati ay ipinipilit sa akin ni Jasper.
Nagsuot ako ng black pants, khaki long-sleeve polo, at 2-inch heels.
Hindi ko napigilan ang mapangiti nang makita ko ang aking sarili sa salamin.
Kahit dalawang beses na akong bumagsak sa LET exam, kahit papaano ay matutupad ko pa rin ang pangarap kong makapagturo.
Ang estudyante ko nga lang ay isang nakakatakot na Mafia Princess.
Bigla tuloy akong natigil.
Naalala ko ang utos ni Mafia boss. Kahit English major ako, sinabi niyang kailangan kong ituro ang lahat ng subject na pang high school student.
Bigla na naman tuloy akong kinabahan. Paano kung hindi nila magustuhan sa pagtuturo ko?
Baka bigla nila akong patayin.
Wag naman sana...
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na ako at naabutan ko sina Mama at ang mga kapatid ko na kumakain. Niyaya nila akong kumain bago umalis, ngunit tumanggi na ako. Sabi ko ay doon na lamang ako kakain kung saan ako nakahanap ng work bilang isang private teacher.
Kahit hindi ko alam kung pakakainin ba talaga ako roon.
Mga brutal pa naman ang mga tao roon.
Ayoko ring kumain ngayon dahil baka ma-late ako. Kailangan kong mag-ingat dahil baka magalit sila kapag na-late ako.
Pagkalabas ko sa bahay ay dumiretso ako sa kanto ng street namin at doon ko nakita ang itim na sasakyan na naghihintay sa akin.
Habang nasa byahe ay pinagmamasdan ko lamang ang daan... Hanggang sa makarating na kami sa mga kalsadang wala nang tao at bahay, puro damo na lamang.
Sunod naman ay nakarating na rin kami sa isang malaking itim na gate, at bawat paligid nito ay may mga bantay, mga armadong lalaki na pormal ang damit.
Halatang nasa lugar na nga kami ng Maximo.
Pagpasok namin sa malaking itim na gate, puro armado at pormal na lalaki pa rin ang nakikita ko, hanggang sa huminto kami sa harap ng isang malaking itim na building.
Pagkababa ko, isang lalaki agad ang lumapit at sinabing sundan ko siya. Kaya sinundan ko siya.
Ano pa bang magagawa ko? Sino ba naman ako para tumanggi sa mafia?
Bago kami makapasok sa building, nakita ko pa ang truck sa labas. Ang laman nito ay mga droga, at ang iba naman ay mga armas.
Pagpasok namin sa loob ng building, sakto ay nakita ko agad ang pogi at seksing lalaki na papalabas...
Siyempre, siya ang mafia boss, si Lucas.
"Good morning po," nakangiti kong bati sa kaniya, ngunit saglit lamang niya akong tiningnan na may malamig ang ekspresyon, at nagpatuloy na siya sa paglabas sa building.
Sungit...
Nagpatuloy na lamang akong sundan sa paglalakad ang tauhan niya.
Napansin ang loob ng building na malinis na ang sahig. Wala na ang dugo at bangkay tulad ng nakita ko kahapon. Nalinis na nilang lahat.
Ang galing naman nila, parang walang karumaldumal na nangyari rito kahapon.
Maya-maya lang ay tumigil na kami sa tapat ng isang malaking pinto, at kumatok doon ang lalaking sinusundan ko. Ngunit wala manlang sumasagot o bumukas ng pinto.
Habang naghihintay kami ay biglang pagdatinh naman ni Boss Pogi. Kasama niya ang isa pang tauhan na may dalang napakaraming libro, na halos tambak na sa braso niya. .
"Ibigay mo sa kanya 'yan," walang emosyon na sabi ni Boss ni Pogi, habang nakaturo sa akin.
Biglang nanlaki ang mata ko, dahil agad na ibinigay sa akin ang mga libro. Halos bumagsak pa ako dahil sa bigat at dami nito.
Grabe naman!
"Boss, pwede po bang konti muna?" tanong ko, at habang nawawalan ako ng balanse.
"Lahat 'yan ay ang kailangan mo para sa pagtuturo. Lahat ng subjects ng high school students, di ba? Kaya mo 'yan, Nathalia. Huwag mong sabihing hindi," saad niya sa malamig na tono.
Pinapalakas niya ba ang loob ko, o gusto niya akong i-challenge?
Pero baka naman gusto niyang sumuko ako, para madagdagan ang mga taong napatay niya?
Huminga ako ng malalim.
Ayokong magreklamo pa. Kailangan kong ipakita na kaya ko... kahit parang bibigay na ang mga braso ko ngayon.
Hindi na ako nagsalita pa. Baka kasi kung ano pa ang masabi ko.
Binuksan na ni Boss Pogi ang pinto nang hindi manlang kumakatok.
Pagkabukas at tumambad sa amin ang napakalaki at napagandang kwarto.
Maganda ang kwarto, pero puro itim pa rin ang nakikita ko
Hanggang sa kwarto ba naman ng babae, itim pa rin ang makikita ko?
Sa gitna ng silid, isang napakagandang teenager ang nakaupo sa isang eleganteng swivel chair. Suot niya ang isang itim na dress na nagdadala ng kanyang aura bilang Mafia Princess. Walang emosyon ang mukha niya habang tinitingnan kami ni Lucas.
Hindi ko naiwasan na titigan ang mukha niya.
Ang ganda-ganda niya, napakaamo ng mukha niya, parang hindi makabasag-pinggan, pero ramdam ko ang lamig at bigat ng presensya niya.
Tumayo siya, at habang papalapit sa amin, ang kaniyang tingin ay nasa hawak kong mga libro.
"What's that?" walang emosyon niyang tanong ng makalapit sa amin. Tinignan niya si Lucas na animoy naghihintay ng paliwanag.
"Mga libro, Princess. 'Yan ang kailangan niya para sa pagtuturo niya sa'yo," sagot ni Boss Pogi.
"Itapon niyo 'yan," biglang sabi ni Princess, habang nakaturo sa mga libro na buhat ko.
"Kailangan niya 'yan para maturuan ka nang maayos."
"I thought you understood what I meant when I said she would teach me. Are you really that stupid, Lucas?"
Hala ka!
Si Lucas ay ang mafia Boss at ang kuya niya, pero ganito niya lang sinasagot?
Kung kapatid ko itong si Princess ay baka napalo ko na siya sa pwet.
Pero ano naman kasi ang ibig-sabihin niya na ako magtuturo sa kaniya? Ang gulo rin naman kasi niya, sabi niya gusto niya ako na maging teacher niya.
"Get all the books and throw them away," saad ni Princess sa isang tauhan.
Agad naman na kinuha ng tauhan ang mga hawak kong libro. Halos mabitawan ko pa nga ang mga ito dahil sa bilis ng kilos niya.
"And you, just leave, Lucas," saad naman ni Princess kay Lucas.
Si Lucas ay parang magpoprotesta pa sana, pero sa huli, tumalikod na lang siya at lumabas na ng kwarto.
Ngayon, naiwan akong mag-isa kasama ang Mafia Princess.
Bumalik si Princess sa swivel chair niya at pumikit, wala manlang siyang sinabi.
So, ano ngayon ang gagawin ko? Tutunganga? Nakaka-bored naman 'yon.
"Ah, Princess. Ano ba talaga ang ibig mong sabihin na ako ang magtuturo sa'yo?" tanong ko, kahit pa medyo kinakabahan talaga ako.
Lalo pa akong kinabahan nang dumilat na siya at walang emosyon akong tinignan
"Just stay here until 7 p.m. If I want to know something, I will ask you. And when I ask, you better explain everything truthfully. That's what I meant when I said I'll make you my teacher," saad niya at agad na ipinikit muli ang mga mata niya.
Napabuntong-hininga ako.
Ano ba 'yon? Ganoon lang pala talaga ang ibig niyang sabihin?
Hindi na lamang ako nagtanong pa, baka kasi uminit na ang ulo niya sa akin.
30 minutes pa ang lumipas ay nakatayo pa rin ako, at si Princess naman ay nakapikit pa rin.
Sobrang nangangalay na talaga ang mga paa at binti ko, kaya walang paalam ay umupo na ako sa sofa niya rito.
Ilang oras pa ang nagdaan ay wala pa rin siyang tinatanong sa akin, kaya hindi ko naiiwasan na ilibot ang tingin ng aking mga mata.
Halatang mamahalin ang gamit niya,
Napatingin ako sa kama niya rito, kita ko na pati ang kama niya ay kulay itim. Walang ibang kulay na nandirito sa loob, puro puti at itim lamang.
Lumipas pa ang mga oras, at nang mag 11 AM na ay doon siya dumilat at agad na sa akin niya ibinigay ang kaniyang tingin.
"You can leave," saad niya, sabay lingon sa kusina sa gilid ng kwarto. "I will cook. I will eat here. Just come back later," saad niya at tinignan ako, tinanguan ko naman siya. Walang pagdadalawang isip ay agad na rin akong lumabas sa silid.
Napanginga ako ng malalim ng ako ay makalabas.
Buti na lamang ay pinalabas niya ako, dahil kahit papaano ay makakahinga rin ako ng maluwag.
Kaso saan naman ako pupunta?
Sa labas nitong kwarto niya, napakaraming armadong lalaki na nagbabantay.
Bigla akong napahawak sa aking tiyan, dahil kumulo ito.
Hindi pa pala ako kumakain mula kaninang umaga...
Habang nakatayo pa rin ako rito malapit sa pinto, nakita ko na may naglalakad na armadong babae.... Napakaganda niya, pero nakakatakot siya kung titignan. May dala siyang tray ng pagkain.
Bahagya akong nag-ipon ng lakas ng loob at nilapitan ko siya.
"Ah, excuse me," sabi ko, medyo kinakabahan ako pero nagpatuloy pa rin ako. "Saan ka po pupunta?"
"Sa third floor. Dadalhin ko ’to kay Boss Lucas," malamig niyang sagot sa akin.
Napatingin muli ako sa laman ng tray...
Nagugutom na talaga ako.
"Pwede po bang ako na lang ang magdala? Para hindi na po kayo umakyat," saad ko dahilan upang hindi siya makasagot agad.
Maya-maya pa ay nakita ko ang malalim niyang paghinga at tinanguan niya ako.
"Sige. Pero mag-ingat ka. Don’t spill anything," saad niya at iniabot sa akin ang tray, nakangiti ko namang kinuha iyon sa kaniya. Tinalikuran niya na rin ako agad at siya ay naglakad palayo.
Pagpasok ko naman sa elevator, ’di ko maiwasang mapatingin sa pagkain. Kumulo muli ang tiyan ko, kaya lalo akong natakam.
May sisig, kanin, adobo, at lumpiang shanghai?
May birthday ba?
Nakita ko na anim ang ang lumpiang shanghai... Kaya habang hindi pa bumubukas ang elevator, kumuha na ako ng isa at tinikman 'to. Napangiti pa ako dahil ang sarap-sarap.
Sigurado akong hindi naman niya malalaman kung ilan ang lumpia na nakahain.
Gutom na kasi talaga ako.
Hindi naman siguro ito pagnanakaw, ano? Tyaka isa lang naman, at gutom na gutom naman na kasi talaga ako e.
Sa sobrang sarap, nagsawsaw pa ako sa ketchup.
Tumunog na ang elevator, hudyat na malapit nang bumukas ang pinto, kaya inubos ko agad ang lumpiang kinuha ko.
Pagbukas ng elavator, puro armado pa rin ang nasa paligid.
Walang bago, puro itim pa rin ang nakikita ko.
"Saan po ang kwarto ng Mafia Boss?" tanong ko sa isang armadong lalaki, tinuro naman niya ang isang tauhan ang dulo, kung saan naroon ang isang pinto.
Naglakad na ako papunta roon at kumatok.
"Pumasok ka na," sabi ng tauhan na nasa gilid ng pinto, kaya nakangiti ko naman siyang tinanguan.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto, nang tuluyan kong mabuksan ang pinto ay tumambad sa akin ang sexy at poging Mafia Boss.
Nakatapat siya sa salamin at inaayos ang kanyang necktie.
"Ito na po ang pagkain niyo, Boss," sabi ko, nilingon naman niya ako na may malamig na tingin.
Biglang bumilis ang kabog ng aking puso nang unti-unti siyang lumalapit sa akin.
At bakit naman ako kinakabahan bigla?
Dahil isa siyang mafia boss... Tama! Iyon lang siguro ang dahilan, 'yon lang! Dahil nakakatakot siyang tao.
Nang tuluyan siyang makalapit sa akin, bumaba ang tingin niya sa hawak kong tray.
"Ilan ang kinuha mo?" tanong niya, habang seryosong nakatingin sa akin.
"Ha?" naguguluhan kong tanong.
"Ilan ang kinuha mong lumpiang shanghai?"
Hala! Alam niya.
Paano?
Baka dahil favorite number niya ang six, kaya anim ang shanghai kanina. Baka kailangan ganoon lagi ang dami na hinahain sa kaniya.
"Don’t tell me, you just liked the ketchup sauce," sabi niya pa, kaya lalo akong nagtaka.
E? Ayoko kaya ng ng ketchup, kung wala namang isasaw-saw dito.
Hindi ako makasagot sa kaniya dahil hindi ko maintindihan ang kaniyang sinasabi.
Muli ko na naman naramdaman ang bilis ng kabog ng aking puso, dahil nakatitig na naman siya sa akin.
Ilang segundo lang ay napansin kong bumaba ang tingin niya sa aking labi, at bumalik muli ang tingin niya sa aking mga mata... pero parang biglang lumalim ang mga tingin niya sa akin.
Napahinga ako ng malalim ng biglang lumapit pa siya sa akin... at napapikit ako sa gulat sa kaniyang sunod ginawa....
Ramda ko ngayon ang init ng kaniyang labi mula sa aking labi.
Hinahalikan niya ako!
Ano 'to?! Anong ginagawa niya?
Nabitawan ko ang tray.
Rinig ko ang tunog ng pagbagsak ng tray sa sahig, ngunit parang wala lang iyon kay Lucas.
Kahit may suot akong pang-itaas, ramdam ko ngayon ang init ng palad niya na nakahawak sa aking bewang. Para bang bigla akong nakuryente...
Naramdam ko na lamang din ang aking sarili na kusang napakapit sa kaniyang braso, hindi ko alam kung para itulak siya o para alalayan ang sarili ko sa ginagawa niya sa akin.
Bigla niyang sinipsip ang itaas kong labi bago niya ako tuluyang pakawalan.
Pagkatapos ng kaniyang ginawa sa akin ay tinitigan niya pa ako ng ilang segundo.
"Inalis ko lang ang ketchup sa labi mo," walang emosyon niyang sabi, samantalang ako ay nakatitig pa rin at hindi makapaniwal sa kaniyang ginawa.
Teka!
Ketchup?
Napakunot ang noo ko.
Ah! May ketchup pala sa labi ko kaya nalaman niyang kumuha ako nang lumpia.
Pero?
Labi na pala ang pamunas ngayon?
Nakakainis!
Bakit kailangan niya pang gawin 'yon.
Mafia boss na manyak din pala siya!
"Linisin mo 'yang kalat mo sa sahig," saad niya. Agad niya akong tinalikuran at naglakad pabalik sa kaniyang pwesto kanina.
Samantalang ako ngayon ay ramdam ko ko pag-iinit ng aking mukha, dahil sa kahihiyan.
Hinalikan niya ako!
Nakita ko na nakaupo na siya sa swivel chair habang seryoso na nakatingin sa papel na nasa mesa.
Parang wala lang talaga sa kaniya ang ginawa niya...
Grabe!
Manyak!
Sinipsip niya pa talaga ang labi ko...