CHAPTER 15 BOOK 2 RINA POV “Who told you that I’m fooling around? Magpapakasal na tayo.” Hindi pala talaga nagbibiro si Jin nang sinabi niyang magpapakasal na kami dahil naglabas siya ng diamond ring. “Marry me Erina…” Kahit na seryoso niyang sinabi iyon ay hindi pa rin ako sumagot. Kasal agad? Parang nakikipag yayaan lang manood ng sine, ni wala nga siyang ‘please’ maki-usap. “Please,” sabi niya at natigilan ako. Parang naibalik ang kaluluwa ko sa aking katawan nang ma-realize na ang bilis naman. Kailan lang kami nagkakilala, is he really expecting me to say ‘yes’? Tinulak ko siya at pero hindi man lang siya natinag. Instead, he stood firmly while holding my hand tightly. “Erina, this is now or never. Dahil kung hindi, si Cristy ang yayayain ko.” Napanganga na lang ako. I can’t

