CHAPTER 16 RINA POV “Pwede ka pang umatras Rina. May oras pa.” Nanginginig ang buo kong katawan. Gusto kong himatayin sa kaba, sa excitement na rin. Bakit ba kasi bigla bigla na lang niya naiisip na magpakasal. Hindi tuloy ako ready. “Aattend pa lang naman tayo ng seminar. Hindi pa ito ang actual wedding so, may chance ka pang umatras. Pero alam ko naman excited ka rin. You can’t wait na makasal ka sa’kin kaya let’s go,” sabi niya at hinila ako sa loob ng city hall. Mukhang napag handaan na niya lahat kasi may schedule na siya agad at may documents na siya na ipapasa. Bigla akong natahimik nang maalala ko na meron siyang pinapirma sa akin na blank papers. Well, siguro naman ay hindi lang basta pag gising niya isang araw ay naisipan niya na pakasalan ako, mukhang kahit papaano ay pi

