CHAPTER 8 BOOK 2 RINA POV “Anong babaeng first na sinasabi niyo?” Tanong ko kay Angela. So, kilala talaga nila ako? Gusto kong malaman kung ano yung sinasabi niya. Anong first ako ni Jin? Napatakip ng bibig si Angela na tila ba may nasabi siyang isang sikreto. Ang sabi niya ay ‘ang babaeng first lo—’ I don’t want to assume but was it ‘first love’ that she was trying to say? Hindi naman siguro. “No, Mom. Hindi siya ang babaeng ‘yun. This woman is a sugar baby,” kalmadong sagot ni Jin. Hindi talaga siya titigil. Gusto yata talaga ng isa pang sampal. “Jin! Don’t accuse her of something na hindi ka naman sigurado. Nakakahiya naman sa kanila. Mag sorry ka!” “Hindi pa ba proof itong nakikita niyo? Inamin na rin niya mismo na ‘Dada’ ang tawag niya kay Nick at nakatira siya sa bahay

