CHAPTER 9 BOOK 2 RINA POV “Hey! Bakit ka lumiko? Hindi diyan ang bahay namin ni Dada!”sigaw ko. Ang lakas ng dagundong ng dibdib ko at lalong tumindi dahil sa sinabi ni Jin. “We’re going to my place, sa condo ko. Doon tayo matutulog.” “No way! Anong gagawin mo sa’kin? Stop the car. Hoy Mr. Cruz! Hindi ako gaya ng iniisip mong babae!” Isusumbong kita sa Dada ko! Ah no, sa pulis! Yes, sa pulis!” “Ingay mo naman. Matutulog lang tayo. Ano bang gusto mo pang gawin? Napapagod din ako. Maaga pa ang presentation natin sa board members bukas,” kalmadong sabi niya habang ako naman ay tarantang taranta na sa kaba na parang sinisilaban na ang aking kinauupuan. Nanahimik ako saglit para ikalma ang sarili ko. “Bakit hindi mo ako iuwi sa bahay namin ni Dada? Bakit sa condo mo? May bahay naman

