Chapter 46 NICK POV “Let go of me, Nick, kung ayaw mong mapatng-patong ang kaso mo.” Banta ni Era sa akin at hindi siya nagbibiro. Dehado ako sa puntong ito. Kung kanina ay nagmamaka-awa siya sa akin para ipawalang sala si Tom, ngayon ay pinagbabantaan niya na ako. Lalo kong diniinan ang pagkapit sa magkabila niyang pulsuhan. I don’t want to let her go. I can’t. “Dumating ako dito, umaasang iuurong mo ang kaso kay Tom. But it turns out, ikaw ang may kasalanan ng lahat. Hindi ka naman ganito Nick. You were the most caring person I know.. Huwag mong sirain ang buhay mo dahil lang sa isang tulad ko. Please, go back to your old self.” Hindi ko alam kung anong mahika meron ang mga luha ni Era. Sa tuwing ito ay babagsak mula sa kanyang mga mata ay napapalambot niya na ang aking puso. P

