Chapter 45 NICK POV “Hindi ako ang gumawa! F*ck! Believe me! Era! It wasn’t me!” Narinig ko pa ang sigaw ni Tom habang nakahiga ako sa stretcher at dadalhin sa ER. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maaawa kay Tom. Pero kailangan kong kumbinsihin ang sarili ko na ‘deserve niya ‘yun’. "Everyone not part of the surgical team, please leave the OR now. We're preparing for surgery!" mariing utos ni Dr. Pancho sa mga tao para sila ay umalis. Nang sinara na ni Dr. Pancho at Daphne ang pinto ng operating room para ako ay “operahan”, tinanggal na ni Dr. Pancho ang face mask niya, ang uniporme at umupo sa upuan. “So, what now? Anong kalokohan naman ito Dok Nick? You know the consequences kapag sumabit ka dito. Lisensya na natin ang nakataya dito. Mag-early retirement pa naman ako,” tanong

