Chapter 43 TOM POV “No… I will make your life a living hell. As miserable as mine…” Simula nang marinig ko ang sinabing ito ni Nick, paulit-ulit itong umalingawngaw sa isip ko. Isang malamig na boses, puno ng galit at kirot, na tila baga’y punong puno ng emosyon, nakakabingi ang katahimikan sa paligid sa parking lot na yun. Sa una, sumiklab ang galit sa dibdib ko. Sino ba siya para pagbantaan ako? Ano ang karapatan niyang idamay ako sa sakit na dinadala niya? Siya ang gumawa ng ikalulungkot niya. Isa siyang doktor, dapat alam niya na kailangan niya nang maghanap ng professional help. Habang mataas pa ang sikat ng araw, ang galit na naramdaman ko ay patuloy lang sa pag alab hanggang sa malapit na ang pag takip silim, nakapag nilay nilay na rin. Habang mas iniisip ko ang mga sinabi ni

