Chapter 42 TOM POV ‘You son of a b*tch! Ibalik mo ang anak ko!” Sigaw ko sa sobrang gigil ko sa lalaking kausap ko sa phone– walang iba kundi si Nick. “I’m just having fun, spending the day with my daughter–” “F*ck you! Hindi mo anak ang anak ko! Ibalik mo si Rina! Or else!” “Or else what? Ako ang may hawak kay Rina kaya ako ang masusunod kaya sumunod ka sa mga gusto ko–” “Anong… anong gusto mo? Pakawalan mo lang ang anak ko–” Labag man sa kalooban ko na sundin kung ano man ang gusto niya pero para kay Rina, gagawin ko ang lahat. Bigla naman niyang pinutol ang linya. Pagkatapos ay nakatanggap ako ng text message. Tatawag ako ulit mamaya. Kung pwede ko lang siyang dukutin mula sa cellphone ay ginawa ko na at gusto ko siyang pag sapak sapakin. Isa na yata ito sa pinakamatindin

