CHAPTER 91 HINGAL NA HINGAL si Almira nang dumating siya sa emergency ng ospital. May nakasalubong siyang isag nurse na may dalang chart kaya naman hinarang niya ito. “Excuse me, nurse. Saan po dinala iyong babaeng naglaslas sa Hotel Grande?” tanong nito rito. Mukhang nakuha naman nito agad ang tinutukoy niya kaya naman kaagd itong tumuro. “Doon po sa emergency room. Makikita po ninyo ang nurse na naka-assign sa kaniya,” wika naman nito sa kaniya kaya agad siyang nagpasalamat at nagmamadaling nagtungo sa tinuro. Kakabalik lamang niya ng Manila nang makatanggap siya ng weird na text message from sa kaibigan na si Selendria. Hindi niya iyon pinansin dahil pagod na pagod siya sa naging byahe at sa ginawang trabaho sa Cebu. Hindi pa man siya nakakaupo sa kama ay mayroon na tumawag sa kaniy

