CHAPTER 85 KATUWANG ANG mommy ni Kirsten ay nag-asikaso sina Kirsten at Lavi ng kaunting handa para mamaya. Hindi naman sila magluluto nang marami. Oorder lang si Lavi ngu nit ang mommy ni Kirsten ay nagpresinta na gagawa ng desserts. Kaya naman tumulong sila sa paghahanda. Mango graham float ang naisipan nitong gawin kaya naman si Kirsten ang nakatoka na maghiwa ng mga manga. Samantalang si Lavi naman ang bahala sa paghuhugas at papatuyo ng mga gagamiting Tupperware. “Hija, ako na lang ang bahala sa mga iyan. Hindi mo kailangan na tumulong,” ani Mommy ni Kirsten nang makita si Lavi sa ginagawa nito. “Ayos lang naman po kung ako ang gumawa nito. Wala rin naman po akong ginagawa.” Ngumiti pa ito sa ina niya saka tumingin sa kaniya. Si Kirsten naman ay napangiti na lang din. “Mommy, haya

