CHAPTER 86 KINABUKASAN, nasa kama pa lamang sina Kirsten at Lavi ay sinabi na nito kung ano ang plano nitong gawin sa maghapon. Ayon sa kanyang nobya ay gusto nitong mamasyal kasama ang buong pamilya niya. Kalamidad na baka sabihin Kirsten kaya naman agad siyang lumabas ng kwarto upang magtungo siya sa silid ng mga magulang upang sabihin dito na aalis sila sa araw na iyon. Ngunit nang makitang nagbibihis ang kanyang ama at naghanda sa pagpasok sa factory ay kumunot ang kanyang noo. "Papasok ka, daddy?" tanong nito "Oo, anak weekdays ngayon at `di pa ako p'wede mag-leave." Naupo siya sa gilid ng kama saka napatingin sa mommy niya na nagtataka. "Sayang naman po." "Bakit naman? Ano bang mayroon?" "Eh, gusto kasi ni Lavi na mamasyal tayo ngayong maghapon para makapag-bonding tayo kaso ma

