CHAPTER 87 HALOS MAPANGANGA sa ganda ng lugar si Kirsten nang makarating sila sa Shinjuku Gyoen National Garden sa Shinjuku City, Tokyo Japan. Ito ang unang beses na makarating siya sa lugar na iyon kaya naman sobra siyang humahanga sa nakikita. Nagkalat ang mga puno ng Cherry Blossoms na kaysarap pagmasdan. May mga ibang turista din ang nandoon na siyang namamasyal kasama ang mga pamilya at kaibigan. Marami at iba-iba ang klase ng mga halaman na nandoon na maaring makita. “Ang ganda rito,” aniya habang nakatingala sa isang malaking puno. May pailan-ilang piraso ng Cherry Blossoms ang siyang nalalagas at tinatangay ng hangin. Tinaas niya ang isang palad upang sumalo ng ilang piraso at ganoon na lang ang saya niya nang may mapunta sa kamay niya. Humarap siya kaagad kay Lavi saka pinakita

