CHAPTER 88 KANINA PA walang imik si Kirsten habang nakatuon ang atensyon niya sa labas ng bintana. Nililibang niya ang sarili sa mga natatanaw sa mga nadadaanan nila upang maiwaglit sa isip ang kanina pang tumatakbo sa ulo niya. Kahit na anong pagpipigil niya na huwag mag-overthink ay hindi niya magawa. Panay pa rin ang pasok sa isipan niya ng mga kung ano-anong bagay dahil na rin sa nagseselos siya. Hindi niya rin alam kung nahahalata ba siya ni Lavi dahil nagmamaneho ito. Paminsan-minsan siya nitong nililingon pero hindi niya naman pinapansin. Parang kinukutkot ang puso niya sa tuwing maiisip na hindi lang siya ang babaeng nadala ni Lavi sa lugar na pinanggalingan nilang dalawa. Selfish at immature man ang dating, naiinis siya. Kung alam lang niya na ganoon, sa ibang lugar na lang sa

