CHAPTER 89 KALALABAS LANG ni Kirsten mula sa loob ng banyo dahil naligo siya nang makapagpahinga sila kanina ni Lavi. Hindi pa rin siya pinapansin ng nobya niya kaya naman ganoon din siya. Pakiramdam niya ay nadagdagan ang sama ng loob niya rito dahil sa ginawa nitong pandededma sa kaniyang post. Para kasi sa kaniya ay wala lang para dito iyon at hindi mahalaga. Nasaktan na siya kanina dahil kay Selendria tapos dinagdagan pa nito. Nakatapis siya ng tuwalya at kasalukuyang pinatutuyo ang buhok sa harapan ng vanit table gamit ang hair blower at nakikita niya si Lavi nakaupo sa kama habang nakasandal ang ulo likod sa headboard. Kanina bago siya maligo ay nakatingin na ito sa cellphone nito at hanggang ngayon na tapos na siya ay ganoon pa rin ang ginagawa nito. Gamit ang repleskyon sa harap

