CHAPTER 69 “ANG AGA mo yata?” tanong ni Lavi kay Almira nang mabungaran niya itong nagkakape sa kusina. Nakasuot pa ito ng pantulog at mukhang bagong timpla lang iyon dahil umuusok at puno pa ang tasa na nasa ibabaw ng mesa. Sumulyap ito sandali sa cellphone nito. “Bakit ganiyan ang mukha mo? Okay ka lang ba?” tanong pa nito ulit na mukhang walang kaalam-alam sa ginawa ni Selendria kagabi. Umiling siya saka naupo sa katapat nitong sila. “Nasaan si Selendria?” tanong niya. “Tulog pa yata. Bakit?” Bago sumagot ay huminga muna siya nang malalim upanag makabwelo. “Nagkausap na ba kayo si Kirsten?” “Ni Kirsten? Hindi pa. Tinatawagan ko nga ngayon dahil nakatulog ako kaagad nang uminom ako ng gatas kagabi. Nakakahiya tuloy sa girlfriend ko.” Sumandal si Almira sa inuupuan nito saka tumingi

