CHAPTER 70 WALA SA mood si Kirsten nang lumabas siya mula sa silid niya. Naabutan niyang nagwawalis ang Ninang Glo niya roon at tumigil lang nang mapansin siya. "Gising ka na pala. Gusto mo na bang kumain?" tanong nito sa kaniya. Umiling si Kirsten. "Wala pa po akong gana. Mamaya na lang po ako kakain." Dumiretso siya sa kusina upang uminom ng tubig. Nang makainom ay isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. Naupo siya silyang malapit sa kaniya saka pinatong ang ginamit na baso sa ibabaw ng mesa. Hindi niya alam kung ano ang mararamdam. Kagabi pa niya hindi tinitingnan ang cellphone niya. Hindi naman iyon lowbat o dead battery. Basta naka-silent lang iyon kaya naman hindi niya alam kung may tumatawag ba sa kaniya o wala. Wala rim siyang ideya kung si Lavi ba ay gising na

