CHAPTER 83 NANG MAKARATING sa airport sa Japan sina Lavi at Kirsten ay hindi na siya nagulat pa nang makita roon ang kaniyang pamilya. Kumpleto ang mga ito. Nandoon ang kaniyang mommy, Daddy, at ang dalawang mga kapati na sina Kristine af Kristal. Lahat ay mayroong magagandang ngiti sa mga labi na sinalubong sila. Mahigpit na yakap ang binigay nila sa isa't isa at walang katapusan na kumustahan kahit pa araw-araw silang nagkakausap. Kumapit kaagad ang mommy niya kay Lavi at si Kirsten naman sa daddy niya. "Sayang naman at wala ang Ninang Glo mo. Bakit kasi nagkaroon pa siya ng biglaang lakad, di ba?" "Hindi naman po kasalanan ni Ninang Glo iyon, mommy. May schedule na pala siya talaga na hindi naman niya maaaring ipagpaliban. Susunod naman siya bukas." Nakangiting turan ni Kirsten. "

