CHAPTER 82 NAKATULALA LANG sa labas ng bintana ng eroplano si Lavi nang tingnan ito ni Kirsten. Nasa mga trenta minutos na silang nasa himpapawid ngunit tahimik lang ang kaniyang nobya. Sumasagot naman ito sa tuwing kakausapin niya kung muling babalik sa pananahimik kapag matatahimik din siya. Ang atensyon nito ay nasa malayo na parang malalim ang iniisip. “Lavi?” tawag niya rito nang hindi na niya natiis pa. Lumingon naman ito sa kaniya. “Hmm? May sinasabi ka?” “Ayos ka lang ba? Mukhang malalim ang iniisip mo?” Hindi na niya maitago ang pag-aalala sa tinig habang kinakausap ito. Tumango naman si Lavi. “Oo naman.” Hinawakan pa nito ang kaniyang kamay. “Ikaw, ayos ka lang ba?” Sa totoo lang, hindi siya okay dahil kinakabahan siya. Kabado siya dahil ipapakilala na niya sa wakas si Lavi

