CHAPTER 81 NAKASIMANGOT SI Kirsten nang makabalik siya sa loob ng silid ni Lavi. Hawak niya pa rin ang tray at naiinis pa rin siya kay Selendria at sa naging usapan nilang dalawa. Huminga siya nang malalim at talaga okupado ang isip. Naiinis siya sa dating kasintahan ng nobya niya. Iyong maganda sanang gising niya, kaagad na pumangit dahil sa babaeng iyon. ‘Hindi ba p’wedeng huwag na lang kami magtagpo ng babaeng iyon para naman hindi nasisira ang mood ko?’ tanong niya sa isipan habang nakatingin sa kung saan. Bumuga siya nang malalim na paghinga saka napailing nang bahagya. “Kirsten?” Kaagad siyang napalingon kay Lavi nang tawagin siya nito. Dahil sa kakaisip niya sa Selendria na iyon, hindi niya napansin na gising na pala ito. Nakaupo ito sa ibabaw ng kama. May suot itong putting t

