16

1676 Words

NGINITIAN ni Nicole si Keith habang palapit sa kanya. Nasa waiting area siya ng clinic ni Dra. Bernardo sa Cattleya Medical Center. Nakasuot si Keith ng simpleng abuhing T-shirt at maong na pantalon. Bitbit ng isang kamay nito ang white coat nito. Nahigit pa niya ang kanyang hininga sa kaguwapuhan nito. Ginantihan nito ang ngiti niya na lalong nagpatingkad ng gandang lalaki nito. Her heart was dancing merrily. Masayang-masaya na siyang makita ito. Hindi niya maipaliwanag kung bakit kaya hindi na rin niya sinubukan pang alamin. Basta masaya lang siya na makita ito. Iyon marahil ang epekto ng hormonal imbalance sa kanya. Malamang na ito ang tinatawag na paglilihi. Pinaglilihian niya ang ama ng kanyang anak. Hindi na masama. Kung magiging lalaki ito, siguradong pagkakaguluhan ito ng mga bab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD